"Torpedo"
Umaga na! Gising na!
awit ng Nanay
Almusal, kape, sa
bulsa may tinapay
Pasakay! sabi ni
manang, para! bulong ng dalaga
Sa pag-huni ng Sarao,
bibirit ang makina
Sino si Gil Puyat?
Tanong ng bata
Tahimik ng Baclaran, Miyerkules
nga ata
Pedro Gil pagbayad ni
doktora,
Saglit lang po
Central na ata.
Sa byahe, ang buhay
ay makulay
Matingkad, maingay,
at puno ng malay
Minsan tahimik,
umaawit at nakikinig
Diwa’y lumilipad, sa
bintana’y nakatitig
Propesor, trabahador,
estudyante, deboto,
Lahat pawang
pasahero, sa byaheng torpedo
Salamat boss Eman, sa
Iyong Payong
Ako’y lalarga na, iguguhit
ang dapit hapon.
-TonemanTM
No comments:
Post a Comment